Basahin Mo. Baka Ito Na Ang Sign, Jojak Sign!

Close your eyes… Focus with intent… at mag-reflect kung talagang mahal mo pa siya- ESTE – kung talagang nasa tamang landas ka sa ahensya life mo. Existential crisis starts now…

Final answer na ba ‘yan sis? Gusto mo na talaga diyan sa position mo? Ah, ‘di ka pa sure. Basahin mo na ito to see if your jojak sign is a match for your agency role!

 

ARIES as Agency CRE8manila

If you’re an Aries then you identify with CRE8manila as a company! This just means na ‘di ka puwede maging alipores lang, siz! Pang-may-ari ng kumpanya ang tenacity at drive mo! Very true na Aries are very extra and tackle things head-on BUT they make sure that they always get things done, no questions asked (ayan tayo eh, rupok lang?) just like business owners. Pero syempre may mga bagay na kailangan talagang tanungin like “Ano budget for this campaign?” 😉

 

TAURUS as Business Unit Director Massie

As a Taurus native, Massie embodies the characteristics of a bull. Very loyal and devoted BUT sometimes this comes at a price. Keyword diyan: BOUNDARIES memsht! Buti na lang stable sila and they can balance anything. Well, except for work-life siguro… 😅 Ang sisipag kasi eh! Meant to be leaders itong independent Tauruses natin pero huwag silang kalimutang lambingin!

Gemini as President, CEO and CCO TRE

Geminis rejoice! You’re represented by none other than our President, CEO, and CCO Sir Tom! Geminis are notorious for their many personalities pero kapag ginalingan mo, it’s the best trait you could ever have. They’re also very active individuals, both mentally and physically. Siguro kung titignan natin ang brain ni Sir Tom, kasinglaki din ng maskels niya sa braso ang maskels niya sa brain. LITERALLY BIG BRAIN ENERGY kaya they’re a gem in the workplace. Oh ‘di ba, ‘di naman siguro halata kung sino boss namin, ‘no?

 

Cancer as Senior Strategic Planner Inno

“Oh my god, naiiyak ako…” – Lahat ng Cancer na nasa ahensya. Cancerians like Inno always get that bad rep. Iyakin daw? Please. They’re the masters of emotion kaya they know how to handle it with grace, kahit na gigil na gigil na sa balik-balik na revisions. Subscribed ‘ata sa unli kausap nila eh.  Okay lang though, ma-effort itong mga ‘to. REVS KA LANG, CANCER AKO, ganern!

 

Leo as Senior Art Director Chino

Ito na ang mga leon! And who else to represent them but Chino, ang Senior AD na hari ng mga ogag! Their creativity surely takes them places and sometimes, kung saan-saan din sila dinadala ng mga creative palusot nila! These lions are very assertive and are great leaders pero syempre, kapag may lioness na sa paligid, batsi na!

 

Virgo as Associate Creative Director Jeco

Sabi nila, ang mga Virgo daw ay mahiyain. We beg to differ! Just like Jeco, Virgo natives just know what to put out there and what to keep for themselves. ‘Di sila martyr, ‘di tulad ng iba diyan. They’re also calm and composed, traits na useful kapag may meeting. Don’t be fooled though. When working with them dapat give your best kasi you do not want to experience the wrath of a Virgo.

 

Libra as Copywriter Ammabs

Libra natives like Ammabs are cardinal signs, meaning sila ang nangunguna sa mga bagay-bagay. First sa chismis, first sa pila ng buffet, at first din when it comes to e-commerce flash sales! Dahil sa people-pleaser personality ng mga Libra, they are always painted to be good girls/boys. Ang ‘di nila alam, napakahilig nitong mga ‘to sa trashtalkan! Parang laging naghahamon ng away eh. Pero kahit ganyan sila, napakataas pa rin ng standards nila. This makes them very dependable when it comes to producing high quality work!

 

Scorpio as Account Manager Arrienne

When it comes to passion for everything, just call Scorpios like Arrienne! Sobrang career na career nila ang kanilang work and when they set goals, they’re sure to accomplish them. Sure ka na ‘pag sinabi nilang kaya nila, kayang-kaya talaga! Kung nga pag-fangirl nabibigyan nila ng time and effort, work pa kaya?! Sure na maaasahan ang Scorpios, both in work and in play. Speaking of play, leader sila when it comes to bardagulan kaya puro tawa at kasiyahan ang vibes ng kanyang team!

 

Sagittarius as Art Director Erron

“Open-minded ka ba?” Sagittarius natives like Erron are the ones with an expanded worldview amongst the signs. Willing sila mag-explore ng kung anu-anong bagay, whether in life or work, kaya minsan sa kanila din napupunta yung “Ang weird talaga ng mga taga-ahensya” remark. Despite all that, they’re energetic and fun storytellers. Kung may kilala kayong mahilig maglagay ng sariling sound effects nila habang nagkukwento, baka Sagittarius ‘yun!

 

Capricorn as Producer Anthony

Symbolized by mountain goats, Capricorns like Anth always move through life slowly but surely. Bawal rush mga sissy nating Capri (hindi po kapre ha)! Masisira ang ganda nila! Understand that they are just making sure na they have the correct footing to move on. SANA OL! And since they are practical and predictable, kapag nahuli mo na ang kiliti nila, instant frennies or lovers na kayo! Committed ‘yan, kaya mag-commit na din kayo!

 

Aquarius as Office Manager Lora

Aquarius people like Lora are often branded as very stoic and emotionless. ‘Di yan totoo! It’s just that wala lang talaga silang emotions towards you. CHAR! Baka kasi they just need space again and hunny, you’re in their way. They’re very truthful and approach everything without bias. This lot is also great in problem-solving which makes them a great addition to the team. Paalala lang po: pwede magtanong ng advice pero ‘di sila ang therapist niyo ha!

 

Pisces as Art Director Kim

Sensitive at very selfless, ‘yan ang mga Pisces tulad ni Kim! These two traits make them very easy to work with yet easy to take advantage of. Kahit walang-wala na, willing pa rin sila magbigay, jusko po! Anuna mga bes? That’s just because they are also very understanding when it comes to anything in life. Wala nang thigh part? It’s okay, they understand. Late ang ka-meeting ng 1 hour? It’s okay, they understand. May binigay na JO na ang deadline ay EOD? IT’S OKAY, THEY UNDERSTAND! They will always understand.

 

Ayarn na mga siz! You’ve reached the end. At dahil nabasa mo na ang lahat, kumusta? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na ba lumipat sa ibang department? Our advice is: gora lang! Basta siguraduhin na nag-align na ang stars mo for that decision. ‘Wag ipilit ang ayaw ni universe, bestie. Remember, all things CRE8ive and magical starts when destiny and work intertwine! ✨