Ikaw ba’y nalolongkot? Saks lang? Kenekeleg-keleg? Naa-agit? Kami sa CRE8manila naniniwala na kapag binato ka ng bato, ay nako bes, gumawa ka ng castle on the hill! Anuman ang chika mo all day everyday, pili ka ng makaka-describe ng hanash mo at the moment para malaman mo ang tamang batong ipupukpok, este isusuot, mo!
So ano’ng ganap today? (Rumampa ayon sa kakayahan, pumili batay sa pinagdadaanan!)
- Confusedt na nga ako sa lugar ko sa lyf ng jowa ko, pati ba naman sa kompanyang ito? Agit na agit na sa workmate na credit grabber. Waley namang hanash tuwing brainstorming pero ‘pag kaharap na ang boss, ay mars! Kuda kung kuda, pwede na magpresidente sa dami ng ambag. Nakakaloka. ‘Di ko na malaman san pa lulugar ‘pag gan’to, ka-stressful, mhie!
- Ang trabaho na dumadating, ‘di basta-basta nauubos. Pero yung sweldo ko, konting-konti na lang. Pati yung chances ko yata magka-love life, kasing-slim na ng wallet ko tuwing petsa de peligro. Anuna sizt?! Keriboomboombells, wala ‘kong pake. Kumbaga sa usapang damdamin, ‘di lang ako pusong bato. Pusong yelo rin. (Naks! Ganda ka, ghurl?!)
- Aw sabaw. Sad lyf yung kaluluto ko lang ng pancit canton tas sa lababo pala ang bagsak. Haaaay. Out of focus na kasi sa dami ng ganaps. Looking forward pa naman sana sa midnight cravings ko, ngayon mas malabo pa ito kesa sa status namin nung kausap ko. Waaah! Kaya pa ba?
- Ganda-gandahan lang ang façade ni mumsht, pero blockbuster ang ganaps ng lyf nyan! Naglalampungang pusa sa background habang nasa pitch preso (sad, buti pa sila), sabay pasok ng credit card bill na mataas pa sa Smokey Mountain ang ikukubra, tapos biglang entrada ng chika na si ex may iba na! Holy guacamole! Parang sinisipa ng sampung santong kabayo yung dibdib ko. Aray ko, bHe.
- Besh, anuna? Laban na laban naman yung banat ko, yung mga jokes ko, yung time na binibigay ko, pero anlala! Bakit ‘di niya ramdam? ‘Di ko tuloy malaman kung sobrang subtle ba ng landi ko o talagang may immunity lang ‘tong tao na ‘to. UGH. Yung halos isigaw ko na yung lyrics ng “You Belong With Me” sa kanya pero sobrang “meh” lang siya. Huy! Baka naman? ‘Di ko tuloy malaman kung kalahi ba nito yung boss naming hiniritan na nga ng, “Ibigay mo na ang aming Christmas bonus” nung nakaraang Pasko, eh tinawanan lang din nun ‘yung efforts ko. Kaya balik “It really hurtz” na lang ang drama ko habang ka-collab ko siya dito. UwU
- Dual nationality: half Pinoy, half nang-i-Indian. Akala nila utaw from the stone age e. Sibat dito, sibat doon si mama! Eat and run kapag may group projects nung college. Ngayong may work na, ayan, nganga! Galaw, galaw pards! Baka ma-stiff neck ka!
- National anthem ko na ‘yung Hot n Cold ni Katy Perry sa gulo ng utak ko, mhie! Baklang tow, ‘di tuloy malaman ng mga utaw kung mabait o masungit talaga ako. Pramis mamsh, ‘di ako plastic ahuhuh. Kahit na iba’t iba ang pagha-handle ko sa pakikipag-usap sa inyo, plis know na, sorry agad. Sorry, ako lang ‘to.
- Yung tatahi-tahimik lang ako kaya naman nagugulat yung mga utaw kapag napapamura ako. Woops. Baby girl man sa inyong paningin, ako po’y sanay sa bardagulan din. Looks can be deceiving dahil kahit na ako’y peace loving at mukhang hindi papalag, aba bhie, kapag ang prends, pamilee, at love for art ko ang tinapakan mo, get ready. Keriboomboom mangwarla si wata, laban na laban kahit kapos sa height yarn!
#Relate ka ba? Alexa, play Moment of Truth by FM Static. Heto na ang mga bato-bato sa langit, ang tamaan guilty!
Homaygahd mami! The feels naman dito! Mapa-isa, dalawa, o maramihan man ang ganaps mo sana makapag-shine ng light at maging guide mo ang mga gemstones na ito. Kapit lang, mhie. Baka ito na ang sign para humagilap ng gemstone na para sa ‘yo!