Ahensya Life Pages You Should Know Feat. Sadvertising, AD People of Manila, and more!

Ahensya life is unfair in many ways. Unfair sa perks, freebies, experiences atbp. Pero unfair din sa OT, revisions, at feelings. Ito yung unfairness na napansin at na-capture ng mga page tulad ng Sadvertising, Sprakvertising, Ad People of Manila, Advertising Black Swan Rants, at Post Prod People of Manila. Ano ba ang sikreto ng pagiging successful na advertising life page tulad nila?

1. Sadvertising

Kilala sa mga nakakatawa at paminsan-minsan nakakaiyak na representation ng buhay ahensya. Sinusundan nito ang buhay ni Sad Art, Sad Copy at isang buong ahensya ng mga character na katumbas nating lahat. Sa breadth of content na meron ang Sadvertising kaiinggitan ng portfolio ng madaming iba d’yan. Pero para kay Sad Art, hindi nya nilalagay sa reel n’ya ang mga yan. “Anonymous since day one.”

 

View this post on Instagram

 

Logtu

A post shared by Sadvertising (@sadvertisinglife) on

 

2.Ad People of Manila

Ang takbuhan ng baka sakaling #MayOpeningBaDyan, ang Ad People of Manila ang isa sa may pinakamalaking following para sa tsismis, jokes, rants, at general feelings tungkol sa buhay ahensya. Sa dami ng feelings na bumubuhos mula kay Ad People of Manila minsan mapapaisip ka ba’t nasa ahensya life pa rin s’ya. “Madaming bullshit pero madaming cute sa adver.”

 

3. Advertising Black Swan Rants

Ang nag-immortalize ng mukha ni Natalie Portman sa ating mga isipan. Sila ang sumisigaw ng feelings mo kapag hindi mo na kaya. Nasa FB na sila ngayon pero buhay pa rin naman yung posts sa luma nilang tumblr for some classic Black Swan Rants. Siguro may ilan sa ating grateful na hindi natuloy mag-abugasya si Advertising Black Swan Rants.

4. Post Prod People of Manila

Hindi sila ang top of mind mo pagdating sa advertising life pages pero yun din mismo yung point nila. Ang Post Prod People of Manila ang boses ng self-proclaimed “bottom of the food chain” ng industriya. Pero armed with their sharp wit, isa ang page na ito sa mga niche fave. Pero pramis magbayad na daw kayo.
Twitter Post

 

5. Sprakvertising

Kilala sa mga walang takot na sprak sa institusyon, ang Sprakvertising ay tahanan at takbuhan ng mga madaming may dinadamdam. Naging willing na tagapakinig at kakwentuhan ng madami sa up and downs ng buhay ahensya. It’s not all about the sprak, fam. It’s about the people. Also, I think kilala nila ako pero I don’t know how.