Shui, Bad Vibes! Shui!

Akalain nyo ‘yun? Ang tagal na pala nating nagwo-work from home?! Matagal pa sa lahat ng *ehem* naging jowa mo (ilag, mars!). Ang bilis ng panahon, kasingbilis makalimot nung mga kilala naming marupocc! Ayan, nakalimutan tuloy nating ipa-feng shui ang bahay at i-make sure na walang bad juju na umaaligid to disrupt our creative energies! (Familiar ba? Parang yung makulit na ex mo lang from a lifetime ago, ‘no?)

But don’t yah worry bruhs and sizzies dahil may baon kaming tips that will surely (feng) shui the bad vibes away! Don’t quote us on this, oki?

  • KEEP CALM AND RAMPA LANG!
    Janah
    Ang chika minute sa’min ng ibong pipit, pinto daw ang entryway ng positivity at creativity. Make sure na well-oiled ang hinges at di umiingit. Baka mamaya kapag sabay kayong ngumawa dahil wala kang ma-approve-approve na idea. Baka daigin nyo pa ang pag-atungal ni Kim Chiu sa concert stage, sizt. 
  • CLEANLINESS IS NEXT TO THE VACUUM CLEANER
    Ghello

    Artwork 1_WIP.PSD dito, FA-Final v.2.JPEG doon. Ang kalat! Keri lang na makalat ka sa social media posts mo, pero please lang, ‘wag mo nang dalhin hanggang sa desktop ng work computer mo. Alam naman nating sanay kang ma-c*ckblock lagi (churi na agad, ASC!). Pero ang clutter, malakas maka-block ng good energy flow ‘yan!

  • “ANG PASENSYA KO, HINDI BASTA-BASTA NAUUBOS!”

    Ninya

    Boot your laptop 1 hour before your Zoom meeting starts. Maawa ka na, Jurassic age pa ang specs at OS n’yan. Remember: patience is a virtue! Kung ‘yung taong ‘di kayang mag-commit nahintay mo, ‘yan pa kaya. Chicken lang ‘yan sa’yo!

  • MONEY IS THE ROOT OF ONLINE SHOPPING

    Kevyn

    Place your work desk near a window that faces the east. Baka sakaling pagsikat ng araw, maliwanagan ka na rin at magising sa katotohanan na sa Shopee at Lazada lang lagi napupunta ang pera mo. E kung dun mo na lang kaya ipa-credit nang diretso ‘yung sweldo mo?! Gastadorang ‘to!

  • YUMMY IS IN THE EYE OF THE STRESS EATER

    Erron

    ‘Wag laging magpabilog sa matatamis na salita… maglagay ka rin ng bilog na fruits sa desk mo para pang-attract ng swerte at pantawag pera. Ingat lang sa stress-eating bes, baka bukas paggising mo, ka-shape mo na ang mahiwagang bolang kristal ni Madam Auring. Awit!

  • FORTUNE FAVORS THE PLANTITA

    Trixia

    Plants are magnets of abundance, keep some around your work area. Diligan sila regularly, dahil just like you, they are thirsty af. Ganun talaga siguro dzai kapag sanay nang tuyot ang love at sex life. Yieee, forever uhaw yarrrrn?

  • “AKALA MO LANG WALA… PERO MERON, MERON, MERON!”

    Jen

    Ang desk ay sa trabaho, ang bed ay sa pahinga! Kaya ‘WAG NA ‘WAG mag-work sa ibabaw ng kama. What do you expect, mHie? Malamang makakatulog ka. Ilayo mo na rin ang TV sa work area mo. Puro ka Netflix, walang ‘chill’. Nagtaka ka pa? Wala ka namang jowa!

Try your luck with these tips, tapos slide into our DMs. G? Ay nga pala, nakasalubong namin si Chismosang Marites sa barangay hall kanina habang kumukuha ng ayuduhhh. Ang tea ng sosyalera mong tita: your lucky number is 8, as in infinite pasensya. Ang lucky color nyo ay green, red, and blue – green for moolah, red for gana, blue for kalma! CRE8manila FTW!